Tuesday, October 21, 2008

SARDINAS at PANCIT CANTON - Mark Anthony Dela Cruz




Ako si Mark Anthony de Leon Dela Cruz. Mark ang tawag ng iba, pero MaAn ang tawag ng mga ka-close ko. Batotoy naman sa mga kapit-bahay. Araw-araw akong umuuwi sa Calamba kaya naman notorious late comer ako sa mga klase. Kabilang ako sa mga esudyante na nag-aaral lang kapag may exam at gumagawa ng papers kapag malapit na ang deadline. Mas gusto kong magsulat sa wikang Filipino para mainggit ang mga hindi nakakaintindi nito. Pero hindi ako magaling magsulat, palaging duguan ang mga papel ko kapag ibinabalik sa akin ng mga instructor. Naaaliw ako sa paggawa ng mga reaction papers pero mukhang ako lang talaga ang naaaliw, hindi ang mga bumabasa. Mas naaliw sila sa mga horoscope ko na pawang kathang-isip lang at hindi regular ang isyu.

At dahil nga walang hilig sa akin ang pagsulat, paminsan-minsang nawawala ang unity and coherence ng aking mga akda, naliligaw kung saan-saan ang usapan, tulad ng pagkaligaw ng mga kartero sa lugar namin dahil walang numero ang mga bahay. Hindi mo pwedeng gawing palatandaan ang sari-sari store dahil may tindahan sa bawat ikatlong bahay. Halos wala na ring kinikita ang mga tindahan pero dahil nga uso, may tindahan din kami. School-bahay lang ang ruta ko araw-araw, tamad kasi akong gumala. Labis itong ikinatutuwa ni Mama, dahil taga-bantay ako ng tindahan. Bagamat marami ngang may di-malugi-luging tindahan, saksi ako kung gaano kabilis maubos ang sardinas at pancit canton na tinda namin. Bukod sa paboritong butasin ng mga daga ang Lucky Me, madalas na ito ang laman ng sikmura (dahil walang mesa) ng mga suki namin na wiling-wili sa pangungutang maya’t maya. Makakabayad din naman daw sila, kapag nakaalis na ang anak nila. Paano magbabayad eh aalis na nga? Abroad. Kahit saang bansa, basta ‘wag lang dito sa Pilipinas. Kahit anong trabaho, basta ‘wag dito. Di ko rin sila masisi, nauumay na sila sa Ligo, gusto naman nila ng Maling.

Kabilang din ako sa mga kating kati nang “tumakas” sa lugar na ‘to. Dito, kung saan dumadaan ang mga naglalako ng taho, balut, binatog at aparador na hindi naman sila nakakabenta. Dito, na iniisip ng iba na walang ibang alam gawin ang mga kundi mag-inom, ma-high blood, at ma-stroke. Mula pa noong bata kami, nag-aaral kami para makatakas.

Last sem, napa-kunot na naman ang noo ko dahil kulang na naman ang units ko. Miyerkules lang din ang pwede ko pang singitan ng subject. Malakas na rin naman ang loob ko na matatanggap ako bilang prerog dahil matanda na ‘ko sa UP. Wala talaga sa plan of course work ko ang PoSc1 pero kinuha ko pa rin. Sayang nga lang dahil nitong sem lang din ako hindi na masyadong nakakapanood ng balita dahil sa dami ng ginagawa. Hindi ko tuloy masyadong nasakyan ang mga isyu gaya ng BJE at iba pa. “Wala akong ibang sandata kundi ang mag-aral ng mabuti.” “Bumaballik sila kung kailan hindi na sila mapapakinabangan ng Pilipinas.” Ayan. Mga linya ni Ma’am na unconsciously ay paulit-ulit kong naririnig. Kahit maingay ang buong paligid. O kahit walang nagsasalita. Pero naaamoy ko pa rin ang Maling. Naiisip ko na kung anong magiging lasa nun kapag “nakatakas” na ‘ko.

Mahilig akong maglaro ng basketball kahit mukhang wala na namang hilig sa akin yung laro. Sinubukan kong maglaro ng ibang sports. Nananalo naman ako kahit papaano pero mainipin talaga ako at hindi ko kayang maghintay ng matagal bago tumira ang kalaro ko ng chess, ganun din sa scrabble at maging sa Pusoy Dos o Tong’its. Kamakailan, nag-basketball ulit ako dito lang sa malapit sa amin. At parang tele-novela, naramdaman ko na doon pa rin ako magiging masaya. Dito ko rin nakilala si Kuya Paul, di niya masyadong tunay na pangalan. At totoo nga ang kasabihan, kung kailan mo hindi inaasahan tsaka dumadating ang pag-ibig, haha, joke lang. Nakalaro ko si Kuya Paul ng dalawang magkasunod na araw. Marami-rami na rin kaming napag-usapan noong panahon na yun: saan siya nakatira, bakit at paano. Hindi siya tulad ng mga iba kong nakalaro na puro kagulangan lang ang alam. Isa pa, hindi ko man ginusto, siya ang nag-paalis ng pagkatakam ko sa Maling. Isang pangungusap mula sa kanya na tumapos sa matagal kong pinag-isipan. “Eh di hindi ka mapapakinabangan ng Pilipinas?”

Monday, October 20, 2008

Cultural Malaise


Ito ay ang mga gawain na naumpisahan ngunit hindi natapos dahil sa mga kadahilanang kulang ang pondong nilaan ng pamahalaan. Maari din namang ang pagkawala ng pondong nilaan ng pamahalaan dahil ibinulsa ng mga pulitikong namamahala sa pagpapagawa ng mga infrastakturang ito. ang mga halimbawa ng mga ito ay:










Mga infrastrakturang di natapos at di makinabangan.


















Mga fishpond na hindi na pinakikinabangan, kaya itinambak nalang at di na ginagamit.

















mga sirang bakod na hindi pinapaayos.
























mga sirang waiting shed na pinagtitiyagaan ng mga tao.











At mga sirang tulay na hindi na pinapaayos ng pamahalaan.
ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga infrastrakturang nagpapakita ng cultural malaise.











Maari nating sabihin na dahil sa mga infrastrakturang gaya ng mga ito ay bumababa ang pagtingin ng mga pilipino sa ating lipunan. Maari din namang ito ang nagiging rason kung bakit kakaunti nalang ang nagsisikap sa ating bansa. Sa pag aakalng walang nang pag asang umunlad ang ating bansa. dahil sa mga sira sira nitong mga infrastraktura na pinagtitiyagaan ng mga tao.

Kaya ang karamihan sa atin ngayon ay umaasa nalang sa tulong na ibibigay ng mga pulitiko sa kanila. kung ang karamihan sa atin ay aasa nalang sa mga tulong nila, at di tayo gagawa at magsusumikap para sa ikakabuti ng kanilang mga buhay, tuluyan nang di makakabangon ang ating bayan.

Hindi naman permanente ang cultural malaise at corruption sa ating bansa, kung tayo lamang ay nagsusumikap para umunlad at lumalaban sa katiwalian sa ating gobyerno tuluyan na itong mawawala at maipapasa na ang malinis na gobyerno sa susunod na henerasyon dahil ito ang nakagisnan ng mga batang papalit sa kasalukuyang mga lider ng bansa.


Roy Miguel D. Flores
POSC1- X





Cultural Malaise


Sunday, October 19, 2008

fdfdafaff
















Naghihirap nga ba ang mga Pilipino?


Sa tuwing makikita kong madalas puno ang mga shopping malls, mga fastfood, mga nagmamahalang bilihan at kainan, hindi ko maiwasang isipin at itanong, naghihirap nga ba ang mga Pilipino?
Ayon sa National Census and Statistics Office, anim sa sampung mga Pilipino ay mahirap. Kaugnay nito ang pag-aaral na ginawa ng University of Asia and the Pacific, na kung saan lumabas sa resulta na walo sa sampung mga Pilipino ay mas mababa pa sa poverty line. Maging sa mga dyaryo, na ang karaniwang laman ay napapatungkol sa kahirapan sa Pilipinas. Pinaguusapan at hindi nawawala ang topikong ito kahit sa telebisyon, radio at iba pang porma ng media. At kung iyong kukunin ang pananaw o perspektibo ng isang estudyante tungkol sa kanyang bansang Pilipinas, maaaring kahirapan pa din ang kanyang maisip sapagkat maging sa mga paaralan, ang kahirapan, krisis at represyon ang mga imahe ng bansa na ipinapakita at tinuturo dito.
Sa ating kasalukuyang panahon, hindi na lamang daw limitado ang salitang “kahirapan” sa mga taong nakatira sa mga squatters are o sa mga kapus-palad na magsasaka, maging ang mga tinatawag na “professionals” sa lipunan ay maaaring nakakaranas na ng kahirapan.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng kahirapan at ano ang mga manipestasyon nito sa isang tao?
Kadugtong….
Ang isang tao ay masasabing mahirap kung kumakalam na ang kanyang sikmura at wala siyang kakayanang makakain ng tatlong beses isang araw, hindi siya makabili ng gamit kasuotan na maayos, wala siyang kakayanang bumili ng gamot para sa kanyang sakit at makapagpatingin sa doctor sa kanyang malubhang karamdaman, wala siyang maayos na tirahan at kumportableng lugar na tinutuluyan. Kasama na din dito ang kakayahan ng isang tao na makatuntong sa paaralan. Ang isang magulang na hindi maibigay ang lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya ay masasabing “mahirap” din. At ang isang taong nabaon sa utang ay walang dudang humaharap sa matinding krisis pinansyal. Ilan lamang ito sa mahabang listahan ng madaming mukha ng kahirapan. Sinasabi din nila na kaya naghihirap ang mga Pilipino ay dahil sa nahaharap sa matinding krisis ang bansa. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na siyang patuloy na pagpapahirap sa mga mamimili. Ngunit paano maipapaliwanag ng mga litrato sa taas ang paghihirap na nararanasan ng mga tao kung may kakayanan naman silang pumunta sa ganitong mga lugar? Tunay nga bang naghihirap ang mga Pinoy?
Nasabi minsan ng isa kong guro na hindi naman niya nararanasan ang ilan sa mga nabanggit kong manipestasyon ng kahirapan ngunit tinuturing pa rin niya ang sarili na mahirap sapagkat madami pa siyang mga bagay na gusto at hanggat hindi pa niya ito lahat nakukuha, mananatili siyang mahirap. Ito ang mga bagay liban sa mga pangunahing pangangailanagn niya. Ito marahil ay isang magandang punto na magtuturo sa tunay na kasagutan ng tanong kung naghihirap ba talaga ang mga Pilipino.
Ang tao ay likas na naghahangad ng mga bagay na higit sa kanyang kailangan. Walang hanggan ang kanyang paghahangad ng mga bagay na sa tingin niya magpapasaya sa kanya. Tulad ng isang pulitiko na may kaya naman sa buhay ngunit nakukuha pang pagnakawan ang kaban ng bayan dahil sa pansariling interes.
Kung matutututo lamang ang tao na makontento sa kung ano meron sila, wala na sigurong tao na magsasabing “mahirap” ang kanyang buhay.
Lagi nating sinasabi na mahirap ang ating bansa, pero kung titingnan natin ang ating mga natural resources o kayamanan at mahusay na mapagyayaman ito, ay maaaring sapat na ito para buhayin ang mga nakatira dito.
Walang masama sa paghahangad ng mga bagay na wala sa atin ngunit matuto tayong magpasalamat at pagyamanin ang mga bagay na meron tayo.

Eva Hannah Agneta P. Agres
POSC 1- B

Saturday, October 18, 2008

Kevin R. Ripas
POSC 1 - X