Monday, October 20, 2008

Cultural Malaise


Ito ay ang mga gawain na naumpisahan ngunit hindi natapos dahil sa mga kadahilanang kulang ang pondong nilaan ng pamahalaan. Maari din namang ang pagkawala ng pondong nilaan ng pamahalaan dahil ibinulsa ng mga pulitikong namamahala sa pagpapagawa ng mga infrastakturang ito. ang mga halimbawa ng mga ito ay:










Mga infrastrakturang di natapos at di makinabangan.


















Mga fishpond na hindi na pinakikinabangan, kaya itinambak nalang at di na ginagamit.

















mga sirang bakod na hindi pinapaayos.
























mga sirang waiting shed na pinagtitiyagaan ng mga tao.











At mga sirang tulay na hindi na pinapaayos ng pamahalaan.
ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga infrastrakturang nagpapakita ng cultural malaise.











Maari nating sabihin na dahil sa mga infrastrakturang gaya ng mga ito ay bumababa ang pagtingin ng mga pilipino sa ating lipunan. Maari din namang ito ang nagiging rason kung bakit kakaunti nalang ang nagsisikap sa ating bansa. Sa pag aakalng walang nang pag asang umunlad ang ating bansa. dahil sa mga sira sira nitong mga infrastraktura na pinagtitiyagaan ng mga tao.

Kaya ang karamihan sa atin ngayon ay umaasa nalang sa tulong na ibibigay ng mga pulitiko sa kanila. kung ang karamihan sa atin ay aasa nalang sa mga tulong nila, at di tayo gagawa at magsusumikap para sa ikakabuti ng kanilang mga buhay, tuluyan nang di makakabangon ang ating bayan.

Hindi naman permanente ang cultural malaise at corruption sa ating bansa, kung tayo lamang ay nagsusumikap para umunlad at lumalaban sa katiwalian sa ating gobyerno tuluyan na itong mawawala at maipapasa na ang malinis na gobyerno sa susunod na henerasyon dahil ito ang nakagisnan ng mga batang papalit sa kasalukuyang mga lider ng bansa.


Roy Miguel D. Flores
POSC1- X





1 comment:

jay-jay tanpoco said...

the presentation of the problem is well-defined. However, i believe we cannot consider the fishpond as an example. Just so you know, The primary reason why the uplb administration abandoned the fishpond is because fishpond before was a breeding lounge for mosquitoes. To avoid that, the administration decided to abandon the fishpond=)

However, I do admit that there is really an existing concept of cultural malaise.